1. Home
  2. Politika
  3. Katutubo

Alkalde ng Quesnel censured, pinagbawalang pumasok sa lupain ng First Nations

Kinondena si Ron Paull at inalis sa kanya ang mga tungkulin ng pagiging alkalde sa emosyonal na meeting

Mga katutubong tao na nagtipon.

First Nations nagtipon bago pumunta sa Quesnel, B.C., council meeting kung saan hiniling na mag-resign si Mayor Ron Paull.

Litrato: Kevin Toews

RCI

Inalis sa alkalde ng Quesnel, B.C., ang karamihan sa kanyang mga tungkulin at pinagbawalan mula sa pagpasok sa lupain na pagmamay-ari ng First Nations sa loob at paligid ng kanyang komunidad.

Ang First Nations, Métis at Inuit ang mga katutubong tao sa Canada na may sariling paraan ng pamumuhay, paniniwala at kultura.

Noong Martes ng gabi, bumoto ang city council ng Quesnel unanimously na i-censure si Ron Paull at ipatupad ang mga paghihigpit sa kanyang abilidad na kumatawan sa siyudad.

Isang lalaki nagsasalita sa mikropono.

Ron Paull (archives)

Litrato: Conseil municipal de Quesnel

Ang desisyon ay pagtugon sa mga ulat na ang asawa ni Paull ay namigay ng mga kopya ng isang kontrobersyal na libro tungkol sa residential schools sa mga tao sa komunidad at si Paull mismo ang nag-alok ng libro sa iba pang hinalal na opisyal sa isang lokal na pagpupulong ng gobyerno.

Ang residential schools sa Canada ay mga paaralan na pinondohan ng gobyerno at pinatakbo ng simbahan para turuan ang First Nations, Métis at Inuit na mga bata na maging bahagi ng lipunan ng Canada.

Ang mga paaralan na ito ay nag-operate sa Canada sa loob ng mahigit 160 na taon simula 1883. Mahigit 150,000 na mga bata ang ipinadala para mag-aral dito. Ang karamihan ay hindi na nakabalik sa kanilang tahanan.

Ang huling residential school ay nagsara sa Saskatchewan noong 1996.

Bilang tugon, sinabi ng Lhtako Dene, Nazko at Lhoosk'uz Dené First Nations na tatanggi sila na magtrabaho kasama si Paull, na hindi na welcome sa lupain na pagmamay-ari ng Lhtako Dene.

Sinabi ni Paull na habang maaaring nagkamali siya sa kanyang judgment, wala siyang plano na bumaba mula sa kanyang puwesto.

Basahin ang tungkol sa kontrobersiya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita